Sa litratong ito makikita ninyo ang aking anak na abala sa paglalaro. Ito ang madalas na nangyayari, ako ay hindi pinapansin at hindi tumitingin sa camera kahit na siya ay aking tinatawag. Ayaw niya na kuhanan ko siya ng litrato. Minsan pa kapag nakita akong may dalang camera papunta sa kanya ay tatakbo palayo habang sinasabing “No No No.” Hay ang mga bata talaga.


![]()

Ito po ang aking anak na kumakain ng kanyang meryenda. Isang simpleng larawan na pang karaniwan na makikita sa aming tahanan sa araw araw. Ako ay palaging kumukuha ng mga litratong kagaya nito.
Marami akong mithiin sa buhay, para sa aming pamilya at sa aking sarili. Ngunit kung ako ay magbibigay ng isa ito ay para sa aking anak. Sa aking palagay walang magulang na hindi nagmimithi ng magandang kinabukasan para sa kanyang anak. Ako at ang aking asawa ay nagsusumikap para matupad ang mithiing ito.